girl decides to write

Wednesday, March 16, 2005

pilo

nung una kong nakilala itong si pilo, sabi ko sa sarili ko, aba! nagmumulto ang kabataan ni sir aquilizan... harharhar! mabait na maloko, payatot na may muscle, parang taga-gubat na naka motor etcetera... gusto raw niya maranasan ang iba't ibang hairstyles. 2 pa lang nakikita ko. may buhok at wala. kalahati kaya? wig? kulot? mahilig din siya kumuha ng mga pictures. pilolahat ng nakita ko puro picture ng sarili niya...side view na nakanganga, blurred...(dati pa yun nung pinakita niya yung project niya na color yellow na fieldtrip daw nila sa vigan.) nakasama ko din ito umakyat ng peak two.ang saya nila habang inuubos na pala ng linta ang dugo ko. hay... malagim na karanasan. marami silang aso. as in. names vary sa kulay ng balahibo. si chico (sumalangit nawa ang kaluluwa niya) dahil kulay chico siya at si harina. hulaan niyo na lang ang kulay ng asong yun.

0 comment(s):

Post a comment

<< Home