girl decides to write

Monday, August 08, 2005

Fairy Tales


Sleeping Beauty

Sabihin na nating maganda pa din siya after 100 years ng pagkakatulog. Hindi ba siya inagiw o inalikabok? At papanong nahalikan siya nung prinsipe eh siguradong bad breath na siya nung mga panahong dapat na siyang iligtas.

Bakit kasi hindi invited si evil fairy godmother (Malificent sa version ni Disney) sa party... at sinong teenager ang gustong umakyat sa madilim na tore mag spin ng wheel sa debut niya instead na mag party?


Rapunzel

Hindi ba't binigay siya sa evil witch ng mga magulang niya dahil gusto ng mommy niya ng gulay galing sa garden ni evil witch, kaya nagnakaw yung tatay niya and then nahuli?

Medyo bingi pa siya kasi hindi niya na distinguish yung boses ni evil witch from the prince kaya nabuko siyang may boyfriend na.

At puwede naman palang tumalon sa tower na yun para makatakas. Di ba ginawa yun ni prince kaso nabulag siya dahil sa mga halamang binagsakan niya.


Snow White

Isa siyang ehemplo ng suwail na bata. Sinabi na kasing don't talk to strangers eh. Ayan tuloy napahamak siya. Na-imagine mo na ba kung ano talaga ang hitsura niya? Skin as white as snow, Hair as black as ebony, at lips as red as blood. Para pala siyang si Marilyn Manson... hehehe! At nung nalason siya ng apple, kiniss pa din siya ng prince kahit nasa casket na siya... May pagka-necropheliac itong prinsipeng ito.




Ayan. Wala na naman akong magawa. Kung anu-ano tuloy napagiiisip ko.

2 comment(s):

Hey thanks.

By Blogger Tanya @ 1:03 PM  

haha. good point.
tho there never is a happy ending, even for make believe stories xD

By Blogger hoyjonah @ 8:08 PM  

Post a comment

<< Home