de lata galore...
Tinawag ni Inay si Boy, ang batang ngo-ngo. "Boy, magpunta ka satindahan ni Aling Petra at bumili ka ng isang latang Pork & Beans."
"Omo, inay," ang sagot ni Boy. Pagdating ni Boy sa tindahan aybinati niya ang tindera, "Aning Metra,ngamuta na mo ngayo?(Kamusta na po kayo?)"
"Mabuti naman," ang sagot ni Petra, "ano ang kailangan mo Boy?"
"Mangmilan nga mo ng inang lata ng Mo e Meen?" ang tanong ni Boy.
"Ano kamo, Boy? sabi ni Petra.
"Isa mong Mo e Meen," ang ulit ni Boy.
"Paki-ulit nga Boy at hindi kita maintindihan."
"Mo e Meen, Mo e Meen, nyung nata lata."
"Hindi talaga kita maintindihan. Mabuti pa kaya ay i-spell mo nalang sa akin."
"O ninge. Mo e Meen. Netter Mi."
"Letter 'B'?" Ang tanong ng tindera.
"Ine! Netter Mi as in Minimines."
"Ha???"
"Mi!" Kinanta ni Boy ang alphabet, "Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em,Nyee..En, Em, En, O, Mi"
"Ahhh, P! Letter P!" ang masiglang sagot ni Petra.
"Oo. Mi! Mo e Meen!"
"Sige ituloy mo Boy. 'P'..."
"Ngo!"
"Ano kamo?"
Kumanta ulit, "Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O"
"Ahhh, titik O! P-O. Sige ituloy mo pa."
"Netter Arrng!"
"Kantahin mo na lang ulit Boy."
"Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O, Mi, Ngyu, Arrng."
"Ahhh! Letter R. Malapit na. 'P-O-R'? Hindi ko pa rin makuha, Boy.
Anong letter and susunod?"
"Ngey."
"Letter A?"
"Ini ho," sabay buntung-hininga si Boy. "Ngey! A, Ma, Nga
(A-Ba-Ka-Da ang kinanta)! Nga!"
"Ka! Letter 'K' 'P-O-R-K' Ahhh Pork!!!"
"Oo. Mo e Meen""Pork and?" Ang tanong ni Petra.
"Oo!! Mo e Meen!!!"
"Pork and Meen? Ahhhh!!! Alam ko na!!! Pork and Beans!!!"
"Oo! Oo!! Mo e Meen!! Mo e Meen!!!!" ang masayang sigaw ni Boy.
"Pork and Beans pala ang kailangan mo!!!"
"Oo. Mo e Meen!"
"Ay, naku... wala!"
"Dahil sa sukdulang pagkainip pinili ko na lang na magtalukbong... hanggang sa dalawin ako ng antok at panaginip, walang ibang magawa kundi maghintay ng maghintay at maghintay... kung anu-ano tuloy ang nasusulat ko."
0 comment(s):
Post a comment
<< Home