girl decides to write

Tuesday, March 29, 2005

richell

because you were asking for it.
mutya ng demarses, hahahaha! madalas din 'tong masiraan ng sandals tulad ni jenny sa hindi malamang kadahilanan. meron daw siyang pizza sa noo. sinira niya yung upuan ko dahil hinagis niya sa sahig sa sobrang galit. at kinabukasan ay sinulatan niya ako ng sorry letter sa isang stationery na green na may nakalagay na Hello! Dogy! I have come to here to give your good luck. *tawa* binilhan namin siya ng 3 goldfish na wala pa yatang isang araw eh namatay lahat. san ka naman nakakita ng baliktad kung magdikit ng label sa diskette at nilalagay ang secret password sa username? antagal bago mag palit ng bed sheets at napakagulo ng gamit, may mga crawling thingies na sa ilalim ng bed niya...
kung titingnan lang, good girl 'to pero hwag ka, maitim ang budhi nito... kung alam niyo lang... *wink*
andami niyang pinag gagagawa na ewan ko ba kung pano niya naisip yun pero kapag gusto ko lang maglakad kahit saan o maghanap ng bulalakaw.sa mga inipong singko at excuses kay manong guard para makalabas ng dorm, kesyo bibili ako ng chocolait,
pulburon, o kimy swirls na dumidikit sa dila ko... kapag gusto ko lang umiyak sa tabi ng SU habang may mga girly na jumi-jingle sa tabi... hindi ko na napansin na ang baho pala dun, leche! o kaya kumain ng carbonara somewhere (hindi ko na maalala). kapag gusto ko lang umupo sa mcdo ng walang dahilan... o sige na nga, dahil may aircon dun at bibili pala ako ng sundae.
sa mga jokes na kami lang ang natatawa at sa mga buhay na walang kabuhay buhay, kaming dalawa lang ang nakakaintindi.

0 comment(s):

Post a comment

<< Home