girl decides to write

Wednesday, February 15, 2006

Walang camel dito


Uuuy... I'm back!

Anu ano na ba ang nangyari sakin.

Hmmm... Wala naman. So far, wala pa akong nakikitang camel.

Trabaho-Tulog lang. Ma-homesick at mag shopping. Ang loser ko talaga. Yung iniipon ko, na de-deplete. Wala naman kasing ibang magawa dito kundi matulog at mag shopping. Sabi nila may gym naman. As if naman enjoy mag buhat ng mabibigat na bagay at magpa pawis ano!

Also, I had the weirdest birthday. Okay scratch that. Not weirdest, but loser-est!

Naman. Natulog lang ako pagkatapos kantsiyawan na ni pansit na panis wala akong blow-out. Super pagod kaya ako nung araw na yun kaya pag dating ko sa accomodation, nakatulog ako at 3:30 pm. Pag gising ko, 10:00 pm na. Nakabukas pa TV.

Regarding work, ayus naman. OK. Sinungaling talaga ako. I don't know but yung ibang kasama ko mga two-faced, foul-mouthed *itches. My, gawd! Ibang klase talaga. Ibang lahi naman. What else? Chismis dito is sobrang OA. Mga professional quidnunc. Napaka X-Files: Trust No One.

Super busy na sigurado in the coming weeks dahil Formula1 Grand Prix na. Wow racers! (As if makikita ko 'tong mga kolokoy na ito. Si Luca Badoer lang nakita ko, di pala kasali... nag test drive lang. And di ko naman kilala yun. Sinu ba yun?)

Hay naku. Lumipas na FebFair. Inggit aku kay Marish, mukhang enjoy na enjoy. Kelan kaya ako makaka uwi?

Answer: Pag may 200BD na ako for plane tix at malaking kahon ng pasalubong.