Tala, ngayong pasko...
Welcome to the Jungle!
Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisdong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!
Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat.
Ang Librong Pambata Para sa Matatanda! Tala... please please please please please!!!!!"Crabs! Crabs! Crabs!"Ngayong pasko, dapat mabait kayo sa mga nakakatanda. Ha, Tala... ^_______^Sige na... nang masalubong ko na ang magandang bukas na naghihintay saken. (Sabi dun sa book..)Please!!! At pakihanap na din yung ABNKKBSNPLAKo?! ko, ha? Ha? Gusto mo ng trivia? Yung nag drowing niyan (at yung nasa iba pang books ni Bob Ong) eh schoolmate ko pero higher batch. Please!!!
*miss ko na yung crab at tora-tora ko... *
de lata galore...
Tinawag ni Inay si Boy, ang batang ngo-ngo. "Boy, magpunta ka satindahan ni Aling Petra at bumili ka ng isang latang Pork & Beans."
"Omo, inay," ang sagot ni Boy. Pagdating ni Boy sa tindahan aybinati niya ang tindera, "Aning Metra,ngamuta na mo ngayo?(Kamusta na po kayo?)"
"Mabuti naman," ang sagot ni Petra, "ano ang kailangan mo Boy?"
"Mangmilan nga mo ng inang lata ng Mo e Meen?" ang tanong ni Boy.
"Ano kamo, Boy? sabi ni Petra.
"Isa mong Mo e Meen," ang ulit ni Boy.
"Paki-ulit nga Boy at hindi kita maintindihan."
"Mo e Meen, Mo e Meen, nyung nata lata."
"Hindi talaga kita maintindihan. Mabuti pa kaya ay i-spell mo nalang sa akin."
"O ninge. Mo e Meen. Netter Mi."
"Letter 'B'?" Ang tanong ng tindera.
"Ine! Netter Mi as in Minimines."
"Ha???"
"Mi!" Kinanta ni Boy ang alphabet, "Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em,Nyee..En, Em, En, O, Mi"
"Ahhh, P! Letter P!" ang masiglang sagot ni Petra.
"Oo. Mi! Mo e Meen!"
"Sige ituloy mo Boy. 'P'..."
"Ngo!"
"Ano kamo?"
Kumanta ulit, "Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O"
"Ahhh, titik O! P-O. Sige ituloy mo pa."
"Netter Arrng!"
"Kantahin mo na lang ulit Boy."
"Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O, Mi, Ngyu, Arrng."
"Ahhh! Letter R. Malapit na. 'P-O-R'? Hindi ko pa rin makuha, Boy.
Anong letter and susunod?"
"Ngey."
"Letter A?"
"Ini ho," sabay buntung-hininga si Boy. "Ngey! A, Ma, Nga
(A-Ba-Ka-Da ang kinanta)! Nga!"
"Ka! Letter 'K' 'P-O-R-K' Ahhh Pork!!!"
"Oo. Mo e Meen""Pork and?" Ang tanong ni Petra.
"Oo!! Mo e Meen!!!"
"Pork and Meen? Ahhhh!!! Alam ko na!!! Pork and Beans!!!"
"Oo! Oo!! Mo e Meen!! Mo e Meen!!!!" ang masayang sigaw ni Boy.
"Pork and Beans pala ang kailangan mo!!!"
"Oo. Mo e Meen!"
"Ay, naku... wala!"
"Dahil sa sukdulang pagkainip pinili ko na lang na magtalukbong... hanggang sa dalawin ako ng antok at panaginip, walang ibang magawa kundi maghintay ng maghintay at maghintay... kung anu-ano tuloy ang nasusulat ko."
Brrrr!
Ang lamig na ulit. Nagco-color purple ung mga kuko kong abnormal pag lumalabas ako.
Miss ko na yung friends ko... Kakabasa ko lang ng message ni Richell. Ilang weeks ago na niya pinost, ngayon ko lang nabasa. Miss ko na Elbi... kahit yung Bugong dun o kaya yung S Ex. (Shanghai Express mga loko loko!) Kahit yung linta sa Peak Two at yung gotohan namin ni Jenny. ^____^
Malapit na mag Christmas. Sabi ko, pagkatapos ng Magandang Gabi Bayan Special, ilalabas na ng nanay ko yung Christmas Tree namin. Inabangan ko yun... yun pala, extinct na yung show. Huhuhu!